Headlines News :
Home » » CONFIRMED! Melai Cantiveros BUNTIS sa magiging anak nila ni Jason Francisco

CONFIRMED! Melai Cantiveros BUNTIS sa magiging anak nila ni Jason Francisco

Written By Yale Bryson Marticio on Sunday, September 1, 2013 | 5:28 PM

CONFIRMED! Melai Cantiveros BUNTIS sa magiging anak nila ni Jason Francisco.




Isang katanungan ang inilabas ng Showbiz TV and Radio talk show host Ogie Diaz sa kanyang DZMM segment na "OMJ" kahapon lamang August 31, 2013. At agad niyang itong pinost sa kanyang Twitter account. Ayun sa kanya:



Ngunit base sa tweet na ito marahil hindi pa niya nakukumpirma ang katotohanan sa mga oras na iyon kaya marahil nagpost ito ng isang tweet na patanong, na agad namang kumalat sa social media ang nasabing katanungan mula sa isang TV host na alam naman natin na tiyak na may credibility pagdating sa mga showbiz gossip.

Makalipas ang buong araw ay isa pa ring palaisipan na katanungan ang umiikot sa mga netizens na kung ito ay tama o sadyang isang malaking rumor lamang.

Ngunit ngayong araw na ito 17hours mula nang pinost ni Ogie ang katanungan na iyon kaugnay kay Melai at Jason, ay may malaking kumpirmasyon naman ang lumabas sa aking Tweets feed mula ulit sa Twitter Account ni Ogie Diaz, na nagpapatunay o isang kumpirmasyon kaugnay sa kanyang tweet kamakailan lamang. Ayun sa kanya:


Tumpak! isang malaking kumpirmasyon na nga na si Melai Cantiveros ay malapit nang maging "ina". Ang AMA walang iba kundi si Jason Francisco.

Kung ating babalikan, ang dalawa ay nagkakilala sa loob ng bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother: Double Up) na kung saan nga ay nagkabutihan ng loob. At umabot pa sa punto na hiniwalayan ni Melai ang dati niyang kasalukuyang kasintahan na naiwan sa General Santos. Ngunit isa naman malinaw na paghihiwalayan ang naganap mismo sa loob ng bahay ni Kuya sa kanyang dating boyfriend. At sa panahong iyo naituloy na nila Melai at Jason ang kanilang namumuong pag-iibigan. At nang matapos ang nasabing reality show ay itinanghal na Grand Winner si Melai. Ngunit hindi pa natapos ang kanilang istorya sapagkat sinundan pa ng PBB at ABS CBN Management ang kanilang pagmamahalan sa labas ng bahay ni Kuya dahil na rin ito sa pagtangkilik ng maraming tao sa kakaibang istorya ng dalawa. Ngunit kamakailan lang matapos ang ilang taong magkasintahan ay naghiwalay ang dalawa ng ilang buwan.

Ngunit matapos humupa ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa ay muling niligawan ni Jason si Melai. At sa pangalawang pagkakataon hindi nabigo si Jason na muling paibigin si Melai. Makalipas ang ilang buwan ay tahimik silang magkasintahan matapos ang isang pagkumpirma ni Melai na sila na muli ni Jason, ay lumabas naman itong magandang balita ukol sa pagkakaroon nila ng anak ni Jason na ikinagulat ng marami at may ibang nadesmaya.

From Kakulay Entertainment Blog, Melai&Jason 'CONGRATULATIONS!'


Share this post :

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. Kakulay Entertainment Blog - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger